Saturday, October 3, 2015

My Journey to Rhian's Amazing World

October 3, 2015
by Cha/Cyberhians

Madali naman talagang humanga ang tao sa mga celebrities diba? Humahanga dahil sa “almost perfect”  nilang mukha at katawan. Meron namang dahil sa talino at sense of humor. Yung iba dahil sa mga “God-given” talents nila.

Madali ko/natin sabihin na “fan ako ni ganito o ni ganyan kasi matalino, magaling umarte at maganda/gwapo”, pero may narealize ako simula nung humanga ako sa isang RHIAN RAMOS.
Tara! Ipapasilip ko sayo kung paano ko minahal, nirespeto, hinangaan at itinuring ang bukod tanging tao na hingaan ko ng ganito

Pilot episode pa lang ng TRMD, may “kennekshen” na akong naramdaman kay Rhian, at habang lumalakad ang kwento ng TRMD lalo akong humahanga sa kanya, at ito na ang nagtulak na sa akin para mag-research about her.

Nanood ako ng mga interviews, guestings at mga movies nya. I even started to tweet Pipi back then on how to join, although I’m really not decided yet, but more of super excited akong makilala pa si Rhian. Kasi habang dumadami yung napapanood, nababasa at nalalaman ko tungkol kay Rhian, mas lalo ko syang hinahangan talaga.

Pero lalong lumaki at tumibay ang paghanga, respeto at pagmamahal ko kay Master Rhian dahil sa ginawa nyang pagtayo at pagbangon, bagay na hindi madali sa mundong ginagalawan nya at sa batang edad nya.  Dito ko talaga sya lubusang hinangaan at minahal, sa totoo lang guys, isa sya sa pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit din ako nagkaroon ng lakas na makabangon nung mga panahong yun na tila babagsak na ang mundo ko. Nakita ko kay Rhian kahit di sya nagsasalita na “lahat ng pagbasak ay bahagi lang para mas makabwelo ka sa mas matatag na pagtindig at matibay na pagbangon”. Hindi lahat ng nadadapa ay talunan, kundi ang mga nadadapa at patuloy na tumatayo ang mga totoong panalo sa anumang labanan.

Alam ko na sa puso ko na talagang hinahangaan ko na si Rhian, pero sa point na to parang wala pa namang kakaiba diba? Parang normal pa din tong paghanga ko kay Rhian? Well akala ko din hanggang dun na lng pero……

Mali pala ako, alam mo kung bakit? Kasi nagawa ko ang mga bagay na hindi ko sukat akalaing magagawa ko sa buhay ko para sa isang artista, sa isang sikat na artista…..

First time kong sumadya sa isang “mallshow” sa lugar na never kong napuntahan at super layo sa location ko. Nung makarating ako sa MTC nung July 4, at nakita ko ang mga bundok sa paligid nito, seryoso pinagtatawanan ko at kinakakusap ko ang sarili ko, sabi ko habang nakangiti at nagpe-pretend akong may binabasa sa mobile ko ‘Cha, are you serious? Can you really believe na ginagawa mo to? Hahha” At ang mas nakakaloka dito, 10:11am pa lang andun na ako, imagine 5pm pa ang mallshow ha, grabe na diba?

That time, sabi ko gusto ko lang talagang makita si Rhian ng personal, kaya kahit 3-4 hours pa ang travel time ko “lampake” lang ang peg ko. Gusto ko lang talagang maramdaman kung totoo ba ung “kennekshen” na nararamdaman ko or baka mali lang ako.

Nung tinawag na sya ni Glaiza sa stage, I was like nodding while smiling, kasi guys nung makita ko sya nung moment na yun (kahit mga 12 meters layo ko sa kanya), iba ung kabog nung puso ko, something na solid kahit na malayo ako sa kanya, ung ramdam kong nakita ko na ung missing pieces dun sa puzzle na di ko ma-explain.

After that moment, mas lalo akong na-excite na maka-attend ng Fans Day nya, ang fear ko lang baka maubusan ako ng slot. So Monday after nung mallshow, nagdeposit na ako and I was really praying na sana maka-abot pa ko. Ang guess what? Muntik na ko sa cut-off haha! Got my confirmation today then kinabukasan close na, hahaha! So I guess it was really meant to be diba?

First time kong umattend ng fans day buong buhay ko hahaha! Pagpasok nya sa Lounge, I was like “Cha ito na oh, nasa harap mo na sya, grabe ka Rhian, bakit ang lakas ng kennekshen ko sayo” (mga 4 meters na lang layo ko that time).

Kulang na lang wag akong kumurap nung FD nya, coz I don’t want to miss a thing that time, kahit pag CR ayaw ko hahah kasi sayang eh mas gusto ko tingnan at pagmasdan si Rhian haha!

Habang nakikipag-usap sya sa amin nung FD, alam mo yung feeling na ‘Seryoso ka Rhian, barkada mo lang kami?” kasi sobrang walang ere, ang cool magkwento , higit sa lahat may sense sya kausap at very witty pa.

I felt her sincerity sa lahat ng pinakita nya at sinabi nya, ni hindi ko sya nakitang nagpahinga sa loob ng 3 hours na yun kasi sya ung nag-entertain sa amin all throughout the event. To think na medyo may sakit pa sya nun, but then kinanta nya lahat, at alam nyo ba, ang pinaka-cool sa lahat is the way sya makipag usap talaga sa amin, yung parang barkada lang, yun lang sya lagi ang Bangka hahaha! But ung pakiramdam na artista kaharap mo, never kong naramdaman kahit isang saglit (except syempre ung kaka-star struck nyang ganda).

First time akong nakalapit sa kanya nun, naalala mo ba yung pakiramdam na una mong nakita si Jollibbee? Yung parang ‘Waahhh! Nakaka-nerbyos na nakakakilig na ewan” hahaha! Di ko malilimutan kung pano nya ako binati ng “Hi!” grabe natulala ako, but di ko nalimutan makipag-shake hands sa kanya muna (ninja moves haha), tapos wala na akong nasabi, hahaha! Pagbaba ko ng stage, I was like “Heaven!!!” hahaha!

That same night, I paid my membership na, coz I can’t take another day na hindi ako nagpapa-member sa CybeRhians na super-duper organize, mababait, very accommodating! Gosh sobrang swerte ko nameet ko si Rhian at ang mga hunghangs!

I also attended SM Rosario mall show, dun ko unang na-meet ang mga hunghangs as official member, and it was really pretty cool. I remember na parang we know each other like we are sisters hehe. Actually di na ako nakipagsiksikan kay Rhian dun, masaya na ulit akong nakita ko sya sa malayo, although maaga ako dumating sa venue.

Then ito na ung pinakahihintay kong chance manood ng taping! Ito ung second time na nakita ko sya ng sobrang lapit, ung tipong isang dipa lang layo nya sa akin, grabe para akong bata, ung panga ko halos mamanhid na kakangiti. Ang sweet lang ni Rhian para labasin kami kahit na nasa trabaho pa sya, tapos ang pinaka the best dun ung speech nya sa huli. Although umuwi na ako ng 6pm at di ko naintay ung pagbalik nya, nung mapanood ko yun video nya, sobrang na-touch ako, to the point na may tumulong luha sa mga mata ko, sa sobrang saya.

Then I went to church that time, alam nyo ba kung anong narealize ko guys? Sobrang thankful ako kay God kasi sobrang ginabayan nya ako kahit sa pagpili ng taong iidolohin ko at mamahalin, sabi ko na lng sa prayers ko “Thank you po kasi grabe ung blessings na ibinigay mo sa akin, hindi sa maling idolo mo ko dinala, kundi sa isang tao na marunong magbalik ng pagmamahal, marunong tumanggap ng pagmamahal ng mga fans nya, marunong magpahalaga, at nagsisikap lagi na ipadama sa amin na sobrang mahal nya kami at na-aappreciate nya kami”.

Guys hindi ito simpleng paghanga lang, maaring sa iba oo ganun lang ka-simple, pero para sa akin at alam ko para sa inyo na nagbabasa din nito, isa itong “kennekshen” sa mga puso natin at kay Rhian. Ugnayan na parang pamilya, magkakapatid, barkada, parang calling na hinding hindi mo kayang talikuran at i-deny sarili mo.

Salamat Master Rhian for being a “reachable star” to all of us, sabi ko nga hinding hindi ko pinagsisisihan na sayo ko nagawa ang mga bagay na ito. At willing pa akong gawin ang ibang mga bagay para patuloy kang ipagtanggol, mahalin, irespeto at ipagmalaki.

Excited na akong masundan pa ang mga moments ko kasama ka at ang pamilya natin sa CybreRhians!

Blessing ka sa akin, sa kanya, sa kanila, sa aming lahat Master! At we will be forever thankful that God lead us to you! We love you Master, for keeps! PROMISE! =)




No comments:

Post a Comment